top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

PARAÑAQUE, NAGKAMPEON VS. DASMARIÑAS SA NBL

Alvin Olivar
Dec 10, 2018
1 min read

NANAIG ang Parañaque kontra Dasmariñas matapos ang dalawang overtime, 112-104, noong Sabado upang makopo ang kampeonato sa National Basketball League (NBL) sa kanilang unang season sa Ugnayang La Salle Gymnasium.

Tinapos ng Parañaque Aces ang seryeng best-of-three para masungkit ang titulo sa NBL sa pamumuno ni Noy Bermudes at Jess Quilatan. Gumawa ng 19 points si Ber­mudes para makuha ang Finals Most Valuable Player award habang gumawa rin si Quilatan ng 19 points at tumulong sa kanilang pagbangon sa unang overtime.

Lamang pa ang Dasmariñas, 97-92, may 23 seconds ang natitira sa unang overtime nang kumamada si Quilatan ng limang sunod na puntos kasama ang isang tres na nagpatabla sa laro. Napanatili ng Parañaque ang momentum hanggang sa huli para makuha ang panalo.

Nanalo ang Aces sa Game 1, 85-71, sa kanilang home court sa San Dionisio Gym noong Miyerkules. “Nagpa­pasalamat ako kay Lord na binigyan nila ako ng players na hindi nag-give up hanggang huli. Alam namin na parang wala nang pag-asa pero still, yung mga puso ng mga bata, hindi nag-give up. Parang mga beterano na,” wika ni Parañaque coach Harold Sta. Cruz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page