Jinggoy at JPE, excited na rin sa hatol

AARESTUHIN na si Sen. Antonio Trillanes IV.
Huwag sana siyang mang-aagaw ng baril!
◘◘◘
KASONG libelo ang nakalusot kontra kay Sen. Trillanes.
Dapat patunayan niyang tama ang kanyang alegasyon!
◘◘◘
ANG problema, ang ebidensiya na sinasabi ni Sen. Trillanes ay wala sa kanyang mga kamay.
Nandu’n daw sa likuran ng kanyang kalaban.
Ngek!
◘◘◘
KAILANGAN mapasakamay ni Sen. Trillanes ang naturang ebidensiya.
Kung gayun, pabalatan niya nang buhay ang kanyang kalaban at isumite niya sa korte!
◘◘◘
SI P-Digong mismo ang tatanggap ng Balangiga Bells mula sa U.S. Forces.
Bang, bing, blang!
◘◘◘
PINABABALIK na si Joma Sison sa Pilipinas.
Malinis na kaya ang baril na kanyang aagawin?
◘◘◘
KAILANGAN ng media ang mga eskandalo.
Wala pang bagong lumilitaw!
◘◘◘
EXCITED na sina Jinggoy at JPE na marinig ang hatol.
Akala kasi nila ay ise-xerox lang ang desisyon ng Sandiganbayan sa kasong plunder!
◘◘◘
AYON sa aklat ni Brad Pitt: Ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro.
Ang hatol kay Pedro ay hindi puwedeng maging hatol din kay Juan!





Comments