top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gustong hiritan ng P1 milyon ang katrabahong nakasira sa kanyang mukha

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2018
2 min read

Dear Chief Acosta,

Noong isang taon, aksidente akong nabuhu­san ng asido sa mukha ng kasama ko sa trabaho. Ngayong 2018, dapat ay ikakasal na ako sa aking kasintahan subalit, maa­aring sanhi ng nasira kong mukha, hiniwalayan niya ako ilang buwan la­mang matapos ang aksi­dente. Maaari ba akong humingi ng P1 milyon bilang danyos mula sa na­kasira sa aking mukha sapagkat ito ang nakikita kong dahilan nang paghi­hiwalay naming magka­sin­tahan? — Rica

Dear Rica,

Para sa inyong kaalaman, nagkaroon na ng pagkaka­taon ang ating Korte Supre­ma na makaharap ang ka­song tulad sa inyong sitwasyon. Sa kasong Eustaqio Mayo vs. People of the Philippines (G.R. No. 91201, 5 Decem­ber 1991) sa panulat ni Ma­histrado Hugo E. Gutierrez, Jr., binigyan ang nabiktima ng aksidente sa nasabing kaso ng danyos para sa pagkasira ng kanyang mukha at ito ay iniayon lamang sa karam­pa­tang halaga na P200,000.

Humiling ang biktima ng karagdagang danyos para sa kanilang paghihiwalay ng kanyang kasintahan na ma­aaring idinulot ng pag-iiba ng kanyang hitsura. Mariing ipi­naliwanag ng hukuman na ang danyos na ibinigay sa kanya ay para lamang sa hi­nag­pis na kanyang narana­san sa pagkasira ng kanyang mukha at hindi dahil siya ay hiniwalayan ng kanyang ka­sintahan. Ipinaliwanag ng hukuman na:

“Nevertheless, we find no justification to award moral damages in favor of [the victim] for the loss of her boyfriend. No doubt, the loss of her boyfriend after the accident added to her men­tal and emotional suffe­rings and psychologically affected and disturbed her. However, there is no clear evidence on record to show that her boyfriend left her after the accident due to her physical injuries. He may have left her even if she did not suffer the slightest injury. The reasons for the break-up of a court­ship are too many and too complicated such that they should not form the basis of damages arising from a vehic­over, granting that her boyfriend left her due to her physical injuries, we still find no legal basis for the award of moral damages in favor of [the complainant] because of the loss of a boy­friend. Article 2719 of the New Civil Code quoted ear­lier enume­rates cases where­in moral dama­ges may be granted. Loss of a boy­friend as a result of physical injuries suffered after an accident is not one of them. Neither can it be cate­gorized as an ana­logous case.” (Binigyang-diin; mga tunay na pangalan ng partido tinanggal)

Samakatwid, para sa ating hukuman, iba-iba ang maaaring maging sanhi ng paghihiwalay ng magkasinta­han at hindi dahil nag-iba lamang ang hitsura ng tao kaya nauupos na ang kani­lang pagmamahalan. Kani-kanyang personal na desis­yon ang pagtigil sa relasyon. Hindi maaaring maging bahagi sa dahilan ng pagbi­bigay ng danyos tungkol sa aksidente, ang paghihiwalay ng dalawang taong nagma­mahalan sapag­kat ang bugso ng damdamin ay hindi nasu­sukat sa kaan­yuan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisalay­say sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opin­yon kung mayroong karag­dagang impormasyong ibi­bigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtiti­wala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page