BINGKAY, UMENTRA SA F4 NG WORLD 9-BALL CHINA

MATAGUMPAY na nakasargo si Rubilen “Bingkay” Amit ng Pilipinas papasok sa final 4 ng prestihiyosong 2018 Women’s World 9-Ball Championships sa loob ng Hainan Tropical Ocean University gymnasium sa Lungsod ng Sanya, Hainan Province, China.
Nagsilbing tulay ni Amit, dalawang beses nang nag-reyna sa larangan ng 10-Ball sa buong mundo, sa pagpasok sa semifinals ang kanyang mga tagumpay laban sa Intsik na si Huai Yi Ng, 7-1, bago nasaksihan ang tatag ng pulso kontra sa Haponesang si Miyuki Kuribayashi, 7-6 sa kompetisyong naglalaan ng USD 175,000 na papremyo sa mga makapapasok sa winners’ circle.
Pagkatapos ng kambal na panalo, sinagasaan din ng Pinay sina Ivanovskaia, 9-4; local bet Huang Qing Ning, 9-3 at Chen Ho Yun ng China, 9-6.
Samantala, walang kinang ang naging kampanya ni two-time SEA Games titlist Chezka Centeno nang tumiklop ito sa hamon ni Fu Xiaofang ng China, 2-7, sa Group C ng paligsahang isinasaayos ng Chinese Billiards & Snooker Association at Beijing Guoao Zhonghe Culture Company kaya nag-alsa balutan na rin ito nang maaga.





Comments