Bago raw mahatulan sa pandarambong | SIGURO PATAY NA ‘KO NU’N — ENRILE
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read

NAGPAHIWATIG si dating Senate President Juan Ponce Enrile na posibleng hindi na niya maabutan ang promulgasyon ng kanyang plunder case.
“Hindi pa nauumpisahan ng gobyerno ang presentasyon ng ebidensiya nila. Siguro patay na ‘ko nu’n,” ani Enrile.“Bahala ang husgado pero, alam ko wala kaming pakialam d’yan at ipapakita namin na wala kaming kinalaman d’yan,” dagdag pa nito.
Matatandaang nakalabas ng kulungan si Enrile matapos magpiyansa kaugnay sa kinahaharap na kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.
Nauna nang inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla sa kasong plunder kaugnay din ng pork barrel scam. (BRT)





Comments