11 MANANAKBO SA 2018 PHILRACOM CHAIRMAN’S CUP SA STA. ANA PARK
- Green Lantern
- Dec 10, 2018
- 1 min read

MAGIGING maaksiyon ang pagdaraos ng 2018 Philracom Chairman’s Cup sa bakuran ng Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite sa Disyembre 16, 2018.
Ang Chairman’s Cup ay isang prestihiyosong pakarera na taun-taon ginaganap sa huling buwan ng taon. Ayon kay Philracom Chairman Andrew Sanchez, ang 2018 Philracom Chairman’s Cup ay paglalabanan ng 11 mananakbo na tatlong taon gulang na tatawid sa 2000 meters.
Maghaharap ang mga kalahok na Box Office, Critical Moment, Courageous, DisyembreAsais, Doktora, Goldsmith, Sheer, Smell My Tail, Speedmatic, Super Sonic at The Ba Barrister.
May nakalaang papremyo na halagang P2-milyon na hahatiin sa unang apat na makatatawid.
Tatanggap ng P1.2 milyon ang tatanghaling kampeon, P450,000 para sa 3rd place at P100,000 sa 4th plaer at tatanggap ng halagang P70,000 ang breeder ng mananalong kalahok.
Kasabay nito idaraos din ang 3rd Leg 3 year old Open Challenge Series na pangungunahan ng mga kalahok na Born In April, Brown Sister, I love Jane, Pious Ashley, Pride of Laguna at Viva Morena.
Tatanggap ng halagang P.9 milyon ang tatanghaling kampeon, P337,500 sa 2nd place, P187,000 para 3rd placer at P75,000 para sa 4th placer.
Magkita-kita na lang tayo sa nasabing karerahan para tunghayan ang laban na magaganap sa Naic, Cavite.





Comments