ZAGKLIS, BAGONG FIBA SECGEN


PORMAL na itinalaga ng mayorya ng mga miyembro ng International Basketball Federation (FIBA) Central Board si Andreas Zagklis bilang bagong FIBA Secretary General noong nakaraang Biyernes.
Nanunungkulan bilang FIBA Director for Legal Services and General Counsel, si Zagklis ay kinuha ng FIBA noong 2016 mula sa siyam na taong pagiging external legal advisor.
Nagsimula ang kanyang panunungkulan bilang sec-gen kahapon-Disyembre 8.
Ang 38-anyos na Greek national ay aktibo sa basketball sa loob ng mahigit 20 taon.
Si Zagklis ang pumalit kay dating Secretary General Patrick Baumann na sumakabilang buhay noong nakaraang Oktubre 13 sa Buenos Aires.
Tinanggap ni Zagklis ang kanyang under- and post-graduate degrees mula sa Law School of the University of Athens habang kinumpleto niya ang postgraduate program sa Olympic Studies sa International Olympic Academy.
Nagtapos din siya ng Leadership in Corporate Counsel program sa Harvard Law School (USA).
Bilang isang propesyunal, si Zagklis ay tumayong adviser ng mga basketball players, coaches at clubs at naging assistant to the Court of Arbitration for Sport (CAS) sa tatlong Olympic Games (2004, 2006, 2008).
Maliban sa pagiging FIBA Legal Department chief, naging instrumental din siya sa pag-angat ng Basketball Arbitral Tribunal (BAT). (VA)





Comments