Wanted na holdaper tiklo
Pabs Hernandez III
Dec 9, 2018
1 min read
ANGELES CITY—Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Margot sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si John Saley III, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang baril at limang cellphones sa pag-iingat ng suspek.
Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments