Wala naman daw masama basta gumanda… KATHRYN, NAGSALITA NA SA PAGIGING SALAMAT PO, DOK!


SA totoo lang, iilan lang sa ating mga female celebrities ang tumatatak ang ganda kahit walang make-up, gaya ni Kathryn Bernardo.
Ilang beses na naming nasalubong sa compound ng ABS-CBN ang girlfriend ni Daniel Padilla na walang make-up at talaga namang mapapa-wow ka sa natural na angking ganda ng batang aktres.
Kaya sa pagbisita nito sa programang Tonight with Boy Abunda, tinawanan na lang nito ang isyung siya’y retokada o sumailalim sa ‘salamat po, doktor’ procedure.
“Hindi po talaga, tigilan na ‘yan, please?” bungad ng aktres kay Kuya Boy.
Sabi ng 22-year-old Kapamilya star, hindi siya apektado sa bintang ng mga bashers dahil hindi niya ito pinapansin.
“Ever since hindi ako napikon.
“‘Nagparetoke, nilaklak ang gluta.’ ‘Kasi dati, sobrang itim niyan, tapos ngayon, ang puti?’ ‘‘Yung sa ilong, nagparetoke ‘yan.’
“Sabi ko, ‘Hindi naman! Puwede bang nag-mature lang kaya ganu’n?’”
Pero ayon kay Kathryn, wala siyang nakikitang masama kung gustong magparetoke ng isang tao para gumanda.
“And ‘yung ibang tao na nagpaparetoke? Walang masama ru’n kasi una, katawan nila ‘yun. At ano’ng masama kung gusto nilang mas gumanda or gusto nilang ma-improve ‘yung sarili nila?”
Tungkol naman sa “maarte” and “pabebe” comments sa kanya, inamin ni Kathryn na nu’ng una ay nasaktan siya, pero hindi siya nagpaapekto.
“Dati affected, ngayon, hindi. ‘Yung dating Kathryn.
“Ngayon, hindi na masyado. Lahat tayo, may kaartehan. Oo, maarte ako minsan talaga, and wala namang masama basta nasa lugar, of course.
“Eh, alam ko naman na hindi ako maarte na wala sa lugar. Pero alam ko, kikay ako, minsan, gusto ko, ganyan. Alam mo ‘yun? Nasa lugar.”
Pero hindi ba siya pabebe o pa-cute?
“Pabebe? Tapos na ako d’yan. Please, alam ko, hindi ako pabebe, ha?
“Siguro, ano lang, kung paano lang ako minsan, pero alam ko, maarte ako minsan. Pero that’s normal,” aniya pa.





Comments