top of page
Pokwang.jpg

Tunay na taas-noo at taas-kamao, proudly UP!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2018
2 min read

ISANG napakalaking bagay para sa Iskolar ng Bayan ang nakaraang ling­go dahil matapos ang 32 taon ay nanum­balik ang sigasig sa paglalaro ng basket­ball team ng Unibersidad ng Pilipinas.

Bilang Iska, talagang ating sinu­bay­ba­yan ang mga laro ng koponan ng UP dahil sadyang nakapaninibago — breath of fresh air, ‘ika nga nila, ang pagpasok sa Finals ng UAAP ng ating alma mater.

Siyempre, hindi tayo nagpahuli at pumunta tayo sa mga laro ng UP sa Finals laban sa Ateneo. Alam nating mahirap ang laban ngunit, the fact na nakapasok sa Finals ang UP ay isa nang napakalaki at napakahalagang achievement.

Bagama’t, alam natin tinalo ng Ateneo ang UP, hindi pagkapanalo ang achievement ng ating koponan sa paglalaro ngayong taon. If we were able to prove anything, it is that win or lose, the fact that we were able to reach the Finals, shows the hardwork and dedication of everyone involved in the team.

One thing is clear, 32 taon man ang nakalipas, buumbuo pa rin sa damdamin ng bawat Isko at Iska ang tunay na kahulugan ng narating ng UP ngayong taon — ang pagkakaisa.

It has been a long time since I graduated from UP Diliman. Pero ang pagpasok ng UP men’s basketball team sa Finals ng UAAP ay binuhay ng napakaraming alaala ng aking panahon bilang estudyante ng UP.

At alam nating lahat ng students at alumni ay nakaramdam nito. Mantakin ninyo, UP alumni from all walks of life, of all ages, from north to south, nagkaisa at binuhay ang damdaming Iskolar ng Bayan.

Patuloy nating panalangin ang tuluy-tuloy na pag-improve ng UP sa larangan ng sports. Sa pagtutulung-tulong ng mga estudyante, faculty and staff at alumni ng unibersidad, alam natin na malayo ang mararating ng ating mga atleta sa UP.

Tunay na taas-noo, taas-kamao at proudly UP.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihinging tulong? Sumulat sa SERBISYONG TUNAYni Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa serbisyongtunay.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page