Sekyu todas sa riding-in-tandem
Levi Gonzales
Dec 9, 2018
1 min read
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang security guard matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Gulod, Calatagan, Batangas.
Sa inisyal na ulat, alas-8:30 ng gabi, sakay ng motorsiklo ang biktimang si Toriano de Guzman nang sundan ng mga suspek saka pinagbabaril ito sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan. Patuloy namang pinag-aaralan ng mga imbestigador ang ugat sa naturang krimen.





Comments