Sa pagbanat ni Duterte sa Simbahan | PACQUIAO, IWAS-PUSOY

“MAHIRAP magbigay ng comment. Like I said, may karapatan siya kasi may experience siya nu’ng bata pa siya. Kung anuman ‘yung nasasabi niya, siya may experience du’n, sinasabi lang niya ‘yung experience nu’ng bata siya. Mahirap makisawsaw”.
Ito ang reaksiyon ni Senador Manny Pacquiao kaugnay sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang-Katolika.
“Baka may pinagdaanan siya nu’ng bata siya na hindi natin alam. Malalim na pinagdaanan niya so, mahirap magbigay ng comment,” dagdag pa ng mambabatas.
Hinikayat naman ni Pacquiao ang mga Pilipino na araw-araw magbasa ng Bible.
Samantala, ayon pa sa senador, ang Simbahan umano ang dapat mag-initiate para makausap ang pangulo.
“Puwede sigurong gau’n, dapat ang Catholic Church ang unang mag-initiate ng dialogue, mag-request ng dialogue kasi ang pangulo busy sa problema ng bansa natin,” pahayag pa ng senador. (BRT)





Comments