NATIONWIDE TOURNAMENTS PARA SA TENNIS PA-SEAG AT ASIAN DAVIS

SIMULA sa Enero 2019, magsasagawa ang Philippine Lawn Tennis Association ng nationwide tournaments para makatuklas na mga bagong manlalaro na kakatawan sa bansa sa mga international tournaments kasama ang Southeast Asian Games, Asian Games at Asian Davis Cup.
Sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, sisimulan ang nationwide tennis programs sa Enero 17 katuwang ang mga dating players na sina Cecil Mamiit, Rod Rafael, Roland So, Felix Barrientos at Raymond Suarez.
“Maraming magagaling sa kanayunan. The only way to tap them is through nationwide tournaments,” sabi ni Philta president Atty. Tony Cabletas. Sinabi ni Cabletas na hindi niya matutupad ang pangarap mag-isa at kailangan niya ang tulong ng dating national players. “Kinuha ko ang kanilang tulong dahil sila ang maraming alam.”
Samantala, magkakaroon ng bagong title sponsor ang National Basketball Training Center sa pagpasok nila sa kanilang ika-12 taon sa 2019.
Naghahangad na maabot ang higit na nakararaming kabataang Filipino sa loob at labas ng bansa, ang bagong Chooks-to-Go NBTC ay ikalawa mula sa pagtaguyod ng Gilas Pilipinas para sa kabuuan ng kanilang programa sa taong 2019.
Magsisimula ang partnership, sa pagdaraos ng National Championship sa Marso na inaasahang lalahukan ng mas maraming koponan mula dito sa bansa at sa abroad at ang nadagdag sa youth league calendar na 3x3 nationals.





Comments