top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ni Bishop Soc Villegas, gobyerno hindi tatantanan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2018
  • 2 min read

MAGBUBUGA NA NAMAN KAYA NG MGA BAD NA SALITA SI P-DUTERTE LABAN SA SIMBA­HANG-KATOLIKA?— Sa kabila ng mga atake ni P-Duterte sa Diyos, sa mga Katoliko at taong-Simbahan, ti­niyak ni Bishop Soc Villegas na pa­tu­loy pa rin daw nilang pupunahin ang mga maling polisiya ng gobyerno laban sa mamamayan.

Nakupo, dahil sa sinabing ‘yan ni Bishop Villegas ay asahan nang mag­bubuga na naman ng mga masasa­mang salita si P-Duterte laban sa mga taong-Simbahan, abangan!

◘◘◘

PUBLIKO, DINEDENGGOY NA NAMAN NI P-DUTERTE —Nagya­bang muli sa publiko si P-Duterte nang sabihin nitong bago raw matapos ang kanyang termino ay drug free na raw ang Pilipinas.

Hay naku, kailan kaya titigilan ni P-Duterte pangdedenggoy sa pub­liko?

Ganyan din kasi ang campaign promise niya noon na kapag nanalo siyang pangulo ay 3-6 months lang ay drug free na raw ang Pilipinas, pero magtatatlong taon na siya sa poder ay hindi pa rin natitigil ang bentahan ng droga sa bansa at sa halip ay mas lumala pa kasi kung dati ay kilu-kilong shabu lang pumapasok sa Bureau of Cus­toms, ngayong panahon ng Duterte gov’t. ay tone-tonelada na, buwisit!

◘◘◘

MAY PLANO BANG BUMILI NG EROPLANO SI PULONG? —Nag-post si Presidential Son, dating Davao City Vice-Mayor Pulong Du­terte sa social media na may lisensiya na siya sa pagkapiloto, ibig sabihin, kaya na niyang magpalipad ng ero­plano.

Kaya ang tanong: May sariling eroplano na kaya o bibili pa lang ng eroplano si Pulong?

Kapag nagkaeroplano, malamang, maitatala sa kasaysayan ng Pilipinas na sa mga naging pangulo ay si P-Du­terte lang ang may anak na nagkaroon ng private plane.

Ito lang ay kung magkakaroon ng sariling eroplano si Pulong, abangan!

◘◘◘

KAYA PALA ANG DAMING SHABU SA ILOILO KASI KARA­MI­HAN SA PARAK, TUTULUG-TU­LOG — Sinibak ng liderato ng PNP ang buong puwersa ng Anilao Police Station sa Iloilo matapos mahuli sa akto ang 23 pulis na natutulog habang naka-duty.

Kaya pala sangkaterba ang droga sa Iloilo kasi karamihan sa mga pulis dito ay mga tutulug-tulog, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page