top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

GF, tinawag na ahas, starlet at Flop Queen… LUIS, NAPIKON, HINAMON NG FACE-TO-FACE ANG BASHER NI JES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2018
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI na nakapagpigil ang TV host na si Luis Manzano sa pamba-bash ng mga netizens sa kanyang GF na si Jessy Mendiola.

May isang basher kasi na nag-iwan ng comment sa isang post ng TV host.

Aniya, “Sana, masaya ka sa pag-uungkat ng nakaraan. Move on, girl!! Kawawa ‘yung taong wala naman talagang kasalanan. Idina­may mo pa sina JM at Enrique Gil sa pagkaka-depress mo. Kasa­lanan mo naman ang lahat. Ahas. Starlet. Flop Queen. Pumayat nga pero mabaho pa rin.”

Hinamon ito ni Luis at sinabing, “‘Wag nagmamarunong kung walang alam sa lahat ng pangya­yari.

Panindigan mo naman mga sinasabi mo, DM mo ako details mo promise bibigyan kita ng chance sabihin lahat ‘yan harap-hara­pan.”

Nagsimulang ma-bash ang aktres nang aminin niyang nagkaroon siya ng depression na nag-ugat sa sunud-sunod na isyu at intrigang kanyang kinaharap noon. Ka­sama na rito ang plane incident nila ni Enrique Gil at hiwa­layan sa dating karelasyon na si JM de Guzman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page