Engineer niratrat ng nakamotor, dedbol
PATAY ang isang mechanical engineer matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Bgy. Concepcion, Batangas City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:30 ng hapon, sakay ng kanyang Toyota Tamaraw FX ang biktimang si Esmael Cultura habang nakatigil sa stop light nang biglang lapitan ng nakamotorsiklo.
Agad itong pinagbabaril ng rider bago tumakas.
Dali-dali namang isinugod sa ospital ang biktima subalit, idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen at upang matukoy ang responsable sa pamamaslang.





Comments