top of page
Pokwang.jpg

DIONES, YAKANG-YAKANG MAKA-GOLD SA 2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

Clyde Mariano
Dec 9, 2018
1 min read

KUNG mayroon mang atleta na kayang magbigay ng ginto sa 2019 Southeast Asian Games, isa na rito si Mark Harry Diones.

Naniniwala ang kanyang coach na si George Noel “Jojo” Posadas na kaya muling gawin ng Bicolano na taga Camarines Sur ang tulad ng ginawa niya sa nakaraan SEA Games sa Malaysia.

“Malaki ang tiwala ko kay Diones na manalo muli. Wala pa akong nababalitaan at nalalaman na may malakas na long jumper sa Southeast,” sabi ni Posadas sa kanyang prize catch na sinanay niya sa Jose Rizal University hanggang maging world class athlete.

Ayon kay Posadas, masusi niyang sinusubaybayan ang ensayo ni Diones sa UItra at sa Baguio bilang paghahanda sa SEAG kung saan siya ang defending champion sa triple jump. “The guy has the natural talent and perfect for his events. He is young and has the height at 5-11. I am pretty optimistic he will do it again. He will be inspired because he will be playing before his countrymen,” wika ni Posadas kay Diones na nagtapos ng criminology.

Si Diones ay naging two times MVP sa NCAA noong 2013 at 2015 at tinulungan ang Mandaluyong-based JRU kunin ang limang sunod na overall champion sa athletics mula 2010 to 2015 at naging best athlete ng JRU. Lalarga si Diones sa long jump at triple jump na inaasahan na muling mananalo ang 23-anyos na long jumper specialist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page