top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dagdag-bawas sa presyo ng gas

Gina Pleñago
Dec 9, 2018
1 min read

TULOY ang serye ng rollback sa diesel bagama’t, maglalaro lamang ito sa P0.10 hanggang P0.15 kada litro.

May bawas-presyo rin sa kerosene na aabot sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro. Gayunman, dagdag-presyo naman ang sa ga­so­line na tinatayang nasa P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Matatandaang, ilang araw ding tumaas ang presyo ng imported na langis sa world market habang hinihintay ang desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Coun­tries (OPEC) na mag­bawas ng produksiyon.

Nitong Biyernes nang tuluyang magpasya ang OPEC at kaalyadong bansa na bawasan ng 1.2 million barrels kada araw ang pro­duksiyon ng langis.

Kaugnay nito, posible umanong sumipa ang presyo ng langis sa susunod na ling­go bilang reaksiyon sa ba­was-produksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page