top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ALAB PILIPINAS, SISIMULAN NA ANG PAGDEPENSA SA TITULO NG ABL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2018
  • 2 min read

BUBUKSAN na ng San Miguel-Alab Pilipinas ang pagdepensa sa kanilang titulo sa 9th year ng ASEAN Basketball League (ABL) kontra sa CLS Knights ng Indonesia sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta.Rosa, Laguna ngayong Linggo.

Inaabangan ang unang sabak ng aksyon bilang parte ng Alab nina Fil-Am cager Caelan Tiongson, na dating naglaro sa Chong Son Kung Fu, at bagong World Import na si PJ Ramos, kasama sina back-to-back ABL Local MVP Bobby Ray Parks Jr. at ang itinanghal na ABL Defensive Player of the Year na si Renaldo Balkman.

Tinitingnan bilang kapalit ng dating World Import na si Justin Brownlee ang 6’5 na forward na si Tiongson, na nagtala ng 11.7 na puntos, 8.2 na rebound, at 3.3 na assist kada laro para sa Kung Fu. Bukod sa kanya handa ring magpakitang-gilas ang ibang bagong manlalaro ng Alab tulad ng mga dating De La Salle Green Archer na sina Thomas Torres at Prince Rivero, Ethan Alvano at Brandon Rosser, na kapatid ng propes­yunal na manlalarong si Matt Ganuelas-Rosser.

Samantala, nais ng CLS Knight na matigil ang kanilang dalawang-sunod na pagkatalo sa kanilang laban sa mga bata ni coach Jimmy Alapag.

Inaasahang mangunguna sa Knights sina Maxie Esho, Montay Brandon, at Indonesian-American na si Brandon Jawato, na madami nang pinahanga sa unang sampa niya sa liga sa kanyang mga average na 14.8 na puntos at 4.0 na assist kada laro. Mapa­panood ang laro ng live sa S+A ng 8 pm.

Kasama sa iba pang makakalaban ng Alab ngayong taon ang mga finalist noong 2017 na Mono Vampire, mga datihang Formosa Dreamers, Saigon Heat, Malaysia Dragons, Singapore Slingers, at Hong Kong Eastern, at mga bagong salta sa ABL na Macau Black Bears at Zhuhai Wolf Warriors. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page