PISTONS, DINISKARIL ANG PAGBABALIK LARO NI CURRY
- MC / ATD
- Dec 3, 2018
- 1 min read

LAKAS ni Andre Drummond ang nagpaangat sa Detroit sa bisa ng ilang sunud-sunod na suwerteng tirada sa third quarter ng laro kahapon kontra Golden State Warriors at binigo ang nagbabalik na star player nilang si Stephen Curry, 111-102 sa NBA game.
Umiskor ang dating two-time NBA Most Valuable Player ng 27 points, 5 rebounds, three assists at two steals sa loob ng 37 minuto makaraang magmintis sa 11 sunod na laro dahil na rin sa injury sa singit.
Mayroon lang siyang 10 sa tangkang 21 tirada, kabilang na ang tatlo lang sa siyam na tangka sa tres puntos at 7 turnovers.
Namuno si Blake Griffin ng Detroit sa 26 puntos habang si Drummond ay may game-high 19 rebounds na itinala at 16 puntos.
Nakalamang ang Pistons sa 54-46 sa halftime at may 14 sa ikatlong peryodo nang pilit humahabol ang Warriors sa 8-76 sa bisa ng tres ni Andre Iguodala sa natitirang 2:06 sa peryodo. (MC/ATD)





Comments