top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lalo na ngayong ang mamahal na ng mga bilihin, ‘tol! TIPID TIPS SA PAGGO-GROCERY NGAYONG HOLIDAY SEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2018
2 min read

PROBLEMADO ka na ba dahil nangangamba kang hindi pumasok sa budget mo ang mga kailangan mong bilhin ngayong Holiday Season? Don’t worry, I got you, buddy! Alamin ang ilang paraan upang makatipid sa paggo-grocery:

1. MAKE SURE YOUR LIST IS UP-TO-DATE. Bumili ng mga bagay na naaayon sa panahon at mga pangangailangan. Sa ganitong paraan, mas makatitipid ka at magiging responsable.

2. HAVE AN ALTERNATIVES. Oks lang naman maging loyal sa, isang produkto, pero kung dehins na kinakaya ng inyong budget ang presyo nito, huwag kayong matakot na palitan ito ng bago at mas mura, ngunit, garantisado. Parang relasyon lang ‘yan, charot! He-he-he!

3. ADAPT WHEN NEEDED. Kahit nakapagplano ka na ng mga bibilhin, hindi masamang mag-adjust para baguhin ang nailista mo na. Easy, brizzy, beshy!

4. GO ON GROCERY DATES. Mas mainam kung ang kasama mong mag-grocery, eh, ang asawa o boyfriend mo at hindi ang mga anak ninyo dahil bukod sa makatitipid ka sa pera, mas mase-save mo pa ang oras mo, makapagde-date pa kayo ni hubby o boyfie. Oh, ‘di ba, bongga?

5. PAY WITH CASH. Huwag kang gagamit ng credit card, beshy! Ito ang ultimate rule para makatipid ka. Minsan, akala natin mas nakatitipid tayo kapag hindi tayo naglalabas ng cash, pero ang totoo, mas nababaon tayo sa utang dahil nawawalan tayo ng kontrol sa pagbili ng mga bagay-bagay. Gets mo?

6. GO JUST ONCE A WEEK. Ugaliing isang beses lang kada linggo magpunta sa supermarkets o kaya ay kung kailan ka lang may pera. Lalo na ngayong Holiday Season, mag-grocery ka kapag na-received n’yo na ang inyong 13th month pay at bonus. Hi-hi-hi!

7. COMPUTE BEFORE HEADING TO THE COUNTER. Habang namimili, mainam na nagko-com­pute ka na ng mga inilalagay mo sa cart nang sa gayun ay matantiya mo ang budget n’yo sa pamimili ng kaka­ilanganin para sa noche buena at media noche.

8. DON’T MISS OUT ON SALES AND OTHER PROMOS. Mag-abang ng mga sale o promo dahil tiyak na makatitipid talaga kayo rito. Hindi lang sa mga panghanda kundi maging sa mga personal na kailangan tulad ng deodorant, shampoo, toothpaste at marami pang iba.

9. PRIORITIZED. Kapag naggo-grocery tayo, oks lang kung ‘yung mga bibilhin natin ay ‘yung mga kailangan talaga natin at hindi lamang ‘yung mga gusto natin upang mas ma-bud­get nating mabuti ang pera natin sa pamimili.

10. EAT. Kumain ka bago ka magpunta sa gro­cery para hindi ka ma-trig­ger na bumili o kumain pa sa restoran o fastfood. Iwas-carbs, iwas-gastos! Ha-ha-ha!

Kaya para sa mga in-charge sa grocery ngayong Holiday Season, make sure na maging wais sa pamimili nang sa gayun ay makatipid at maging happy.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page