top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung hanggang kailan maaaring magsampa ng kasong may kinalaman sa unfair labor practice

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2018
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nasi kong malaman kung hanggang kailan maaaring isampa ang kaso na may kinalaman sa “unfair labor practice”? — Donny

Dear Donny,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 305 ng Presidential Decree No. 442 o mas kilala bilang “Labor Code of the Philippines” kung saan nakasaad na;

“Article 305. Offenses. – xxx

All unfair labor practice arising from Book V shall be filed with the appropriate agency within one (1) year from accrual of such unfair labor practice; otherwise, they shall be forever barred.”

[Sinalungguhitan para bigyang-diin.]

Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang pagsasampa ng kaso na may kinalaman sa unfair labor practice na nakapaloob sa Book V ng Labor Code ay maaari lamang gawin sa loob ng isang (1) taon magmula sa paggawa ng akto na maaaring ikonsidera bilang unfair labor practice.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page