Ibinulgar ng COA, P565 bilyong pera ng bayan, kinurakot?!
- BULGAR

- Dec 8, 2018
- 2 min read
MAS MALAKI ANG PORK BARREL NI GMA KAYSA SA BUDGET PARA SA MGA ESTUDYANTE —Mas malaki pala ang pork barrel ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kaysa sa budget ng Commission on Higher Education (CHED) sa Student Financial Assistance Program o “Tulong-Dunong Program” para sa lahat ng mga estudyante sa Pilipinas.
Ang pork barrel ni GMA, base sa ibinulgar ni Sen. Ping Lacson ay P2.4 bilyon, samantalang, ang budget ng CHED na financial assistance program sa mga mag-aaral ay P1.7 bilyon lang.
D’yan makikita na mas importante sa Duterte gov’t. ang kapakanan ng mga trapo (traditional politician) kaysa mga estudyante, buwisit!
◘◘◘
SAFE RAW ANG PERA NG BAYAN, PERO AYON SA COA, P565 BILYON DAW ANG NA-CORRUPT SA DUTERTE GOV’T.—Matapos aprubahan ni P-Duterte ang dagdag-tax sa mga produktong petrolyo ay nanawagan ang pangulo sa publiko na magbayad ng tax at nakatitiyak daw ang mamamayan na sa kanyang liderato ay safe ang pera ng bayan.
Ganu’n, ang Pera ng bayan, safe sa Duterte gov’t.?
Pambihira, safe raw, eh ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na ang naglahong pera ng bayan dulot ng korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng Duterte gov’t. ay umabot na sa higit P565 bilyon, pwe!
◘◘◘
PARTYLIST NI MOCHA, BAKA MAGING KULELAT SA ELEKSIYON—Sa isinagawang raffle ng Comelec para sa magiging numero sa eleksiyon ng mga partylist ay pinakakulelat ang AA-Kasosyo Partylist ni ex-PCOO Asec. Mocha Uson.
Naku, tila masamang pangitain ‘yan kasi baka pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 2019 ay maging kulelat sa bilangan ng boto ang partylist ni Mocha, boom!
◘◘◘
RAKET SA LEMERY, IPINA-STOP NI MAYOR ALILIO; PERO ANG IBANG ALKALDE, ‘NGANGA’—Ipinatigil na pala ni Mayor Larry Alilio ng Lemery, Batangas ang lahat ng uri ng illegal gambling sa kanyang nasasakupan.
O, puwede naman palang gawin ‘yan ng alkalde, pero bakit ang ibang mayor, “nganga” lang sa raket ng mga iligalista sa kanilang mga nasasakupan? Mga buwisit!





Comments