Ex-Sen. 'Bong' absuwelto sa plunder, agimat epektib!
- BULGAR

- Dec 8, 2018
- 1 min read
KAPISTAHAN ngayon ng Immaculada Concepcion.
Sa iba, ito ang simula ng kapaskuhan!
◘◘◘
ABSUWELTO na si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa kasong plunder.
Talagang may agimat siya!
◘◘◘
GUILTY si Janet Napoles at ang chief-of-staff ni ‘Bong’.
‘Yari kang bata ka!
◘◘◘
WALANG direktang ebidensiya laban kay Revilla.
Basic ‘yan sa lahat ng hukuman, ebidensiya ang batayan!
◘◘◘
ISANG aral, kung gagawa ka ng krimen, huwag mag-iiwan ng ebidensiya.
At tiyakin ang ebidensiya ay nakapokus sa iyong mga alalay!
◘◘◘
BUMABABA na ang presyo ng petrolyo.
Dapat, bumaba na rin ang presyo ng mga bilihin!
◘◘◘
MALAKING bilang ng mga OFW sa Saudi Arabia ay nagbalik na sa Pilipinas.
Sad X-mas!
◘◘◘
UMAASA si dating Sen. ‘Jinggoy’ Estrada na maaabsuwelto rin siya.
‘Yung ebidensiya siguro ay nandu'n din sa kanyang mga alalay!
◘◘◘
TIYAK na maabsuwelto rin si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Mas malamang, ang ebidensiya rin ay nasa kanyang mga amuyong.
Ganu’n lang kasimple ang buhay!





Comments