Duterte sa Kongreso: MARTIAL LAW SA MINDANAO, I-EXTEND

KINUMPIRMA ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hiniling na ni Pangulong Rodrido Duterte sa Kongreso na palawigin ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Medialdea na batay sa proseso, kailangang magpatawag ang Senate President at House Speaker ng joint session upang talakayin ang kahilingan ng pangulo.
Una nang inihayag ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nagpaabot na ng abiso si Pangulong Duterte para sa hangarin nitong Martial Law extension.
Posibleng sa Miyerkules, Disyembre 12, ipatawag ang special session ng Kongreso.
Samantala, sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), isang taon pang paiiralin ang Martial Law sa Mindanao. Kabilang sa mga naging basehan ng militar para palawigin pa ng isang taon ang Batas-Militar ay dahil sa “clamor” ng mga sibilyan at presensiya ng mga terorista lalo na ang napaulat na presensiya ng mga foreign terrorist mula Middle East, Indonesia at Malaysia.





Comments