top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil lang umano sa pagkanta ng malakas | Guro, nabuwisit; mga estudyante, pinakain ng papel!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2018
  • 2 min read

HINDI na bago ang nababalitaan nating pang-aabuso ng ilang guro sa mga estudyante gayundin, ng ilang estudyante sa mga guro.

Kaya lang sa dami ng pangaral at iba’t ibang kuru-kuro na naibahagi na ng ilan sa atin, mayroon pa ring hindi nagbabago at tila walang pakialam.

Bagama’t, sa katunayan, alam din nating sa bawat sitwasyon na nangyayari may pagka­kataon talagang hindi natin mapipigilan ang ating emosyon kaya siguro nakagagawa ang iba ng hindi nakatutuwang aksiyon.

Gayunman, sa isyu hinggil sa pagpapakain ng papel umano ng isang guro sa kanyang mga estudyante, pinagsusumite ng Depart­ment of Education (DepEd) provincial office sa lalawigan ng Ilocos Norte ng pormal na report ang principal ng paaralan sa bayan ng Nueva Era.

Ayon kay Atty. Elis Diego, legal officer ng DepEd Provincial Office, wala pa silang na­tatanggap na report hinggil sa pangyayari ngunit, usap-usapan na ito sa kanyang opi­sina kaya kinukumbinsi umano nila ang principal na isalaysay ang buong pangyayari.

Samantala, ang ipapataw na disciplinary action ay depende kung gaano kalala ang gi­nawa ng guro.

Kaya ang hiling natin sa pamahalaan na seryosohin na sana ang ganitong mga prob­lema nang sa gayun ay masolusyunan na at hindi na madagdagan pa.

Kung kinakailangang magsagawa ng mandatory behavior seminar sa mga eskuwe­lahan, gawin!

Dahil paniguradong lahat tayo ay makiki­nabang dito, lalo na ang mga taong higit na naaapektuhan tulad ng mga guro, estudyante at mga magulang.

Para naman sa mga magulang, gabayan natin ang ating mga anak upang mabigyang-pansin ang kanilang mga pangangailangan.

‘Ika nga ng marami, pang-aabuso, tul­dukan; pagbabago, simulan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page