Bebot dedbol sa kuryente
- Pabs Hernandez III
- Dec 8, 2018
- 1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang babae ang namatay nang makuryente sa lamay ng kanyang yumaong tiyahin, kamakalawa sa Bgy. Banonong, Dapitan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Dolly Mae Ong, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaayos umano ni Ong ang funeral lights sa burol ng kanyang tiyahin nang mapahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Ong sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments