top of page
Pokwang.jpg

ANTHONY, WELCOME KAY LEBRON JAZZ AT BLAZERS, NAGSIPAGWAGI

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2018
2 min read

HINDI naman hiniling ni LeBron James sa Los Angeles Lakers management na kunin si Carmelo Anthony, pero hindi ibig sabihin na ang dalawa ay wala nang tsansa na magkasamang maglaro sa isang season.

Iniulat ng The Athletic na nais pa ring maging kakampi ni James si Anthony, ang kanyang longtime friend na sinimulan ang season sa Houston. Ang dalawa ay nagkahiwalay ng team, at maaring i-trade ng Rockets si Anthony sa Dis. 15. Hindi naman hiningi ni James kina team president Magic Johnson o general manager Rob Pelinka na kunin si Anthony.

Samantala, nagtala si Derrick Favors ng double-double at nakatulong si Joe Ingles sa maagang opensa sa bisa ng malakas na laro ng Utah Jazz, 118-91 na pagdemolis sa Hous­ton Rockets sa NBA game kahapon sa Salt Lake City. Kumabig ang Utah (13-13) ng 5 panalo sa pitong laro sa unang beses mula Nob. 17. Tumapos si Favors ng 24 puntos at 10 rebounds sa loob lang ng 25 minuto habang may kabuuan na 18 puntos si Ingles sa 6-of-9 shooting. Na-out sa Jazz ang starting center na si Rudy Gobert sa nalalabing 9:13 mi­nuto ng unang peryodo at may 6 puntos lang na nagawa si Donovan Mitchell para sa panalo kontra Rockets na naungusan nila sa 37 puntos.

Nakagawa si James Harden para sa Rockets ng 15 points habang sina Chris Paul ay may five turnovers at five assists para sa 12 puntos. Nasayang din ang 12 points ni Clint Capela at 10 rebounds para sa Rockets.

Sa iba pang laro, umiskor si Damian Lillard ng 25 points at 8 assists sa kabila ng pagkakaupo niya sa kabuuang 4th quarter nang tigpasin ng Portland Trail Blazers ang bumibisitang Phoenix Suns, 108-86.

Tumabo si Jake Layman ng career-high 24 points at 7 seven rebounds para sa Trail Blazers na napigilan ang three-game losing streak.

Humalibas si Troy Daniels ng 15 points para sa Phoenix, na natalo sa 7 sunod na laro. May 14 points si Josh Jackson, habang may 11 si Deandre Ayton at eight boards para sa Suns. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page