top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Simbahan napipikon na kay P-Digong, hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2018
  • 1 min read

PINATAY ang isang Imam sa Baguio.

Anubayan?

◘◘◘

NAPIPIKON na ang Simbahang-Katolika kay P-Digong.

Huh, pikon-talo!

◘◘◘

GUMAGALA na ang senatoriables sa buong bansa.

‘Yung walang badyet, maiiwan sa pansitan!

◘◘◘

SOBRANG taas ng presyo ng mga bilihin sa Singapore.

Pero, marami pa rin ang nagtuturista!

◘◘◘

NAUUSO na ang trangkaso.

Maraming generic drug ang hindi tuma­talab!

◘◘◘

MARAMI ang natu­tuwa sa inilabas nating pagbili ng mga kapwa kandidato sa kapwa nila kandidato.

Talamak ‘yan sa buong bansa!

◘◘◘

DALAWANG klase ang pagbebenta ng COC o kandidatura.

Una, ‘yung kalaban na may pag-asa ay talagang pinepresyu­han.

Ikalawa, ‘yung iske­ma ng “substitution”, ibebenta ang COC para siya ay palitan.

◘◘◘

ILANG substitute ang nagbayad sa kani­lang pinalitang kan­didato.

Dapat itong im­bes­tigahan!

◘◘◘

DAPAT ding imbes­tigahan ang ulat na uma­tras ang isang kandidato sa isang malaking siyudad kapalit ng malaking halaga.

Bakit tameme ang Comelec?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page