Mga Obispo, dapat mag-ingat sa hirit ni P-Digong na patayin sila
- BULGAR

- Dec 7, 2018
- 2 min read
SA UTOS NI P-DUTERTE NA SILA AY PATAYIN, MGA OBISPO DAPAT NANG MAG-INGAT—Matapos ipag-utos ni P-Duterte na patayin ang mga Obispo, walang sinabi ang pangulo na biro lang ang statement niyang ito.
Dahil d’yan, dapat nang mag-ingat ang mga Obispo.
Nakababahala kasi ang ganyang uri ng statement, lalo na at ang salitang ito ay lumabas sa bunganga ng pangulo kasi baka ang utos niyang pumatay ng mga Obispo ay sundin ng kanyang mga masugid na tagasuporta o DDS (Duterte Dieahard Supporters), susmaryosep!
◘◘◘
PEDERALISMO, TULAD DIN NG TRAIN LAW NI P-DUTERTE NA PAHIRAP SA PUBLIKO—Inaprubahan na ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang Charter Change (ChaCha) tungo sa Federal government.
Kaya ang panawagan natin sa publiko, huwag suportahan ang ChaCha at huwag maniwala sa boladas ng mga pulitiko na good sa taumbayan at sa Pilipinas ang Pederalismo ni P-Duterte.
Dapat tandaan ng mamamayan na ang Pederalismo ay parang TRAIN Law din ni P-Duterte, na noon, ang sabi ng gobyerno good daw ito (TRAIN Law) sa publiko, pero nang ipairal na, bad pala kasi sa isang iglap, biglang nagtaasan ang presyo ng mga bilihin at bayarin, period!
◘◘◘
MAG-INANG GMA AT MIKEY, SUWERTE SA DUTERTE GOV’T.—Napakasuwerte sa gobyernong Duterte ang mag-inang House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ex-Rep. Mikey Arroyo.
Mantakin n’yo, nagka-P2.4 billion pork barrel na si GMA tapos ang anak niyang si Mikey ay naabsuwelto pa sa P27 million tax evasion case, boom!
◘◘◘
MAYOR SABILI AT SUPT. BALAUAG, ‘NGANGA’ SA RAKET NI ‘VENICE’ SA LIPA CITY—Lantaran na raw ang iligal na operasyon ng drop balls, color games at sakla ni “Venice” sa Bgy. Balintawak, Lipa City sa Batangas, pero dedma lang daw dito ang mga taga-city hall at pulis.
Aba, kung walang nanghuhuli r’yan, ibig sabihin, “untouchable” pala sa jurisdiction nina Mayor Meynardo Sabili at Station Commander Supt. Ramon Balauag, mga pwe!





Comments