top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maging wais sa taas-babang paggalaw ng presyo ng petrolyo at mga bilihin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2018
  • 1 min read

BAHAGYANG bumaba ang inflation rate ngayong malapit na ang Pasko.

Gayunman, nagpaalala ang isang grupo na hindi da­pat makampante ang mga Pinoy.

Kung mapapansin, mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin dahil sa demand ngayong kapaskuhan at puwede pang magbago ang direksiyon ng presyo ng petrolyo sa world market kapag tinapyasan ang produk­siyon.

Hindi rin imposible na magkakaroon ng ‘speculative pricing’ kaug­nay sa implementasyon ng second tranche ng excise tax sa langis sa Enero.

Kapag nagkataon, ang mataas na inflation ay dulot ng excise taxes at hindi ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Kaya ang hirit sa economic managers ng administrasyong Duterte, iwasan ang laban-bawi sa anti-inflationary measures dahil kahit naka­titikim na umano ng ginhawa ang mga motorista sa sunud-sunod na rollback sa petrolyo, maaari pa rin silang manlumo sa pagpasok ng 2019.

Tayo namang mga mamimili, manatili pa ring wais. Hinay-hinay lang sa paggastos. Matuto tayong sumabay sa taas-babang paggalaw ng presyo ng petrolyo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page