Hirit ni Digong | 80% ng mga pari, bakla!

MULING inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo ng Simbahang-Katolika.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, sinabi ni Duterte na 80 porsiyento ng mga pari at Obispo ay mga bakla at tinawag pa nitong mga ipokrito.
Tila malilinis umano ang mga pari kung mangaral na huwag magkasala o bibigay sa tukso gayung sila mismo ay may pamilya.
Inihayag pa ng pangulo na ang pangalawang koleksiyon sa misa ay para umano sa pamilya ng mga pari.
“Do not be hypocrites. Sabi nga ni Pope, eh, ‘If you are a…’ Karamihan about 80% na mga pari, Obispo, bakla. Bakla talaga ‘yang mga g***** ‘yan.
Tapos kung magpabendeta-bendeta, naka-gold pa. Ang inuman mga gold. Karaming baso na mura r’yan sa Quiapo, pa-gold-gold pa kayo. Tapos tayo pa ang maggastos, unang collection, pangalawang — ‘yung pangalawang koleksiyon para ‘yun sa pamilya nila maniwala ka,” pahayag ni Duterte.
Dahil dito, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang publiko na manatiling nakakapit sa Panginoon at huwag paloloko umano sa relihiyon.





Comments