GM’S GOMEZ, ANTONIO AT LAYLO, SA ASIAN INTERCONTINENTAL CHESS

SASABAK na simula Disyembre 9 ang mga pangunahing disipulo ng ahedres sa bansa sa 2018 Asian Intercontinental Chess Championships sa Tiara Hotel ng Makati bilang dehado dahil sa pagdagsa sa bansa ng mga dekalibreng chessers mula sa iba’t-ibang bahagi ng Asya.
Inanunsiyo rin ito kahapon ng NCFP officials na sina Asia’s first GM Eugene Torre at GM Jayson Gonzales sa forum ng Tabloid Organization on Philippine Sports sa 4th floor ng National Press Club sa Intramuros, Manila.
Sina GM John Paul Gomez (Rating: 2450), IM Paolo Bersamina (Rating: 2444), at IM Haridas Pascua (Rating: 2442) ang mangunguna sa kampanya ng mga kalalakihang pambato ng bansa subalit sila ay malayo sa pre-tournament favorites na sina GM Hao Wang (no. 1, Rating: 2730) at GM Yi Wei (no. 2, Rating: 2728) mula sa powerhouse China.
Makakatulong din nina no. 36 Gomez, no. 37 Bersamina at no. 38 Pascua sa pagwagayway ng tatlong kulay ng bansa sa paligsahang tinatawag ding 2nd Manny Pacquiao Cup ang mga batikang sina GM Darwin Laylo (no. 39, Rating: 2438), IM Oliver Dimakiling (no. 41, Rating: 2434) at GM Rogelio Antonio (no. 42, Rating: 2431).





Comments