Digong, nagpaospital

IBINUNYAG ni Panguong Rodrigo Duterte na bumisita siya sa ospital kung saan sumailalim siya sa blood test.
Inamin ito ng pangulo sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng 85th anniversary ng Department of Labor and Employment na idinaos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Habang nagtatalumpati, tinanggal pa ng pangulo ang bulak na nakadikit sa kanyang braso at ipinakita niya sa kanyang audience ngunit, hindi nito ipinaliwanag kung bakit siya nagpakuha ng dugo.
“Eh, ako rin, eh, galing nga sa ospital. Kinunan ako ng dugo. Iyang media magtatanong naman ang sakit ko. Well, I’ll give you an idea. Tanggalin ko na lang ‘to. Iyan, may dugo konti. Pero pagtusok nila sa syringe, kukunan ako ng dugo, walang lalabas, puro hangin. wala na ito,” pahayag ni Duterte
Kaugnay nito, nag-joke pa ang pangulo na hirap siyang kunan ng dugo dahil lumalabas umano mula sa kanyang katawan ay hangin sa halip na dugo.
“I’ll explain to you. Mahaba ‘to. It’s a thing that we do every halos lahat,” sabi ni Duterte nang hingan ng reaksiyon sa isang ambush interview.
Kinumpirma rin ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go na sumailalim lamang ang pangulo sa isang regular blood chemistry.





Comments