Wala raw silbi | MGA OBISPO, PATAYIN N‘YO! — DUTERTE
- Mylene Alfonso
- Dec 6, 2018
- 1 min read

MULI na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katolikong Obispo na kritiko nito na mas mabuting mamatay na lamang.
“Pero itong mga Obispo ninyo, patayin ninyo, walang silbi ‘yang mga g***** ‘yan. All they do is criticize and…,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Malacañang.
Sinabi ni Duterte na hindi umano siya gagawing presidente ng kanyang Diyos kung siya ay isang ‘bull****’.
Nanindigan din ang pangulo na ang kanyang Diyos ay hindi katulad ng Diyos ng mga Katoliko.
“Praise God pero ‘yung God ko ‘yung — God ng mga Obispo mga sabay-sabay sila mga g***. I never said I do not believe in God. What I said is your God is stupid, mine has a lot of common sense. That’s what I told the bishops,” ani Duterte.
“I never said I was an atheist. Well, the presidency is a God-given gift. I am sure God would not have given me the position if I was a b***s***. Magklaro tayo doon,”
“I couldn’t have made it in life even the barest that I — before the presidency — without God,” pahayag pa ng pangulo.





Comments