Wa' paki sa madlang pipol… RONNIE AT LOISA, TODO-LAMPUNGAN IN PUBLIC
- Nitz Miralles
- Dec 6, 2018
- 1 min read

SA three love teams na kasama sa Fantastica, ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang kitang “for real.”
Makikita sa mga kilos ng dalawa ang fondness sa isa’t isa. Kundi nakapatong ang braso ni Ronnie sa lap ni Loisa, nakaakbay siya at minsan, si Loisa naman ang nakapatong ang braso sa lap ng boyfriend. Nakita rin ng press na inayos ni Ronnie ang hair ni Loisa.
Ang ganda ring makita na naglalaro sina Ronnie at Loisa na ibig sabihin, hindi lahat ay seryoso sa kanila at may time silang maglaro.
Thankful sina Loisa at Ronnie na mapasama sa 16 cast ng Fantastica. Second movie na ito ni Loisa kay Vice dahil kasama rin siya sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad kaya nakatikim na siya ng pag-aaruga ng komedyante. “Anak” nga ang tawag sa kanya ni Vice.
First movie naman ni Ronnie with Vice, pero nagkakasama na sila sa It’s Showtime. Kinantiyawan lang siya ni Vice dahil madalas ay hindi nagre-report sa IS.
Bumawi si Ronnie, pinuri si Vice na ang galing-galing at tinuturuan siya kung paano magbato ng punchlines.





Comments