top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey ng experts... PAGTE-THANK YOU, EPEKTIB NA PANLABAN SA PAGKAIN NG JUNK FOODS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

ANG pagsasabi ng “thank you” ay hindi lamang para maipakita na nag­papasalamat ka, lodi. Knows mo ba na ang simpleng pagte-thank you ay may magandang na­idudulot sa ating food habit? Wow!

Napag-alaman ng mga dalubhasa na ang “gratitude therapy” ay may magandang epekto sa mental at physical health ng tao.

Ang gratitude therapy ay isinasagawa sa pamama­gitan ng pagpa­pasalamat sa magulang, guro at kaibigan dahil sa mabuting bagay na nagawa nila para sa atin.

Ayon sa mga eksperto, ang simpleng pagsusulat ng thank you letter ay may epek­to sa psychological well-being, physical health at heart health.

Maliban pa rito, ang gra­titude therapy ay maaari ring makatulong sa paghinto ng mga teenager sa pagkain ng junk foods at tuluyan nang mag-healthy diet.

Sa pag-aaral, 1,000 ka­bataan na nasa edad 14-15 ang kasama sa eksperimen­tong isinagawa sa University of California.

Ang mga kalahok ay sumagot sa survey kung saan ang mga tanong ay tungkol sa kanilang diet at kung paano nila gus­tong mapaganda ang kani­lang ka­lusugan.

Hinati sa dalawang gru­po ang mga kalahok kung saan ang isang grupo ay pi­naglista ng kanilang ginagawa araw-araw at ang isa naman ay gumawa ng gratitude the­rapy.

Ang mga kalahok ay bi­nigyan ng sampung minuto upang sumulat ng thank you letter para sa mga taong na­ging mabuti at supportive sa kanila.

Isinasagawa ang na­sabing therapy ng isang be­ses sa isang linggo sa loob ng isang buwan.

Samantala, ayon sa mga researcher, ang pagpapakita ng gratitude sa indibiduwal ay nakatutulong upang mas madalas silang kumain ng ma­susustansiyang pagkain kum­para sa grupo na hindi nagsawa ng therapy.

Kaya ang payo ng mga eksperto, kung gusto n’yo talagang maging healthy, sa­bayan ng regular na eher­sisyo ang pagkain ng mga ma­susustansiyang pagkain.

Oh, ayan, mga beshy, hindi na tayo mahihiyang magsabi ng thank you dahil sa napakagandang health benefits nito.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page