top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Problemado sa pera | UTILITY WORKER NAGBIGTI

  • Maeng Santos
  • Dec 6, 2018
  • 1 min read

ISANG utility worker ang namatay matapos magbigti dahil umano sa problema sa pera sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang biktima na si Arwin Inocencio, 39, utility worker sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Sa pahayag sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Khristine, ala-1:40 ng madaling-araw, isasara niya ang kanilang pinto nang mapansin nito ang pinto ng kanilang stockroom sa gilid ng kanilang bahay na nakabukas kaya lumabas ito.

Laking-gulat nito nang makita ang kanyang kapatid na nakabigti gamit ang electrical cable kaya agad na humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang barangay tanod at pinagtulungang putulin ang wire subalit, wala nang buhay ang biktima.

Narekober mula sa bulsa ng biktima ang isang sulat-kamay na nakasaad ang “Cause of Death, Bangungot Tnx” habang ayon sa saksi, problemado umano sa pera ang kanyang kapatid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page