top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PATTS AT DLSU-DASMA, SERYOSO SA 26TH NCRAA

  • A. Servinio
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

NAGBABALA ang PATTS College of Aeronautics sa 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) na seryoso sila sa taong ito matapos nilang parusahan ang bumibisitang National College of Business and Arts, 86-57 noong Lunes sa A. R. Valdez Hall. Iyan din ang nais iparating ng De La Salle University-Dasmariñas sa kanilang 88-83 na panalo sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Lumayo nang tuluyan ang PATTS sa ikalawang quarter sa bisa ng mahusay na laro ng mga beteranong sina Norman Torreno at Jestoni Loyola at sinamahan pa ng baguhang si Mark Jayson Morada. Ang dating dikit na laro ay naging madali na para sa Seahorses at bumaba sa 10 puntos ang kanilang lamang sa Wildcats na lumasap ng kanilang ikalawang sunod na talo.

Namuno si Torreno sa panalo na may 20 puntos galing sa apat na tres. Walang sinayang na lakas si Loyola sa paggawa ng kanyang 17 puntos sa 19 na minuto at ga­noon din si Morada na may 16 puntos sa loob ng 17 na minuto.

Samantala, nagsabog ng 24 puntos si John Cantimbu­han upang itulak ang Patriots sa unang panalo. Mala­king tulong ang na-ambag ng mga guwardiyang sina Jef­ferson Merilles na may 11 at Pacholo Loor na may 10 puntos at forward Patrick Jamon na may 10 puntos din.

Sa iba pang laro, ipina­tikim ng Saint Francis of Assisi College ang bagong kalahok na Lyceum of the Philippines University-Laguna kung ano ang antas ng laro sa NCRAA matapos lampasuhin ng Doves ang Pirates, 60-44. Umangat ang laro ng mga reserbang sina Avi Arellano at Jibb Larotin na parehong may 14 puntos habang namayagpag sa ilalim si Ryan Chu na may 11 puntos at 12 rebound para sa kanilang unang panalo matapos mabigo ng isang puntos sa defending champion Olivarez College, 65-66, sa pagbukas ng liga noong Nobyembre 27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page