Padir na si Dolphy, idol sa ginawa sa mga naging babae… SIGAW NI ERIC: 'DI KAILANGAN NG KASAL!


DAHIL sa title ng Regal Entertainment entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na One Great Love na pinagbibidahan nina JC de Vera, Kim Chiu at Dennis Trillo, natanong tuloy ang direktor nitong si Eric Quizon kung nagkaroon na rin ba siya ng ‘one great love’.
Natatawang sagot ni Direk Eric, marami siyang minahal at lahat ito ay ‘great love’ niya, pero hindi umabot sa puntong ginusto niyang pakasalan.
“Alam mo, never pumasok sa isip ko ‘yung marriage. I don’t know why, but siguro kasi my mom and my dad, they had a wonderful relationship, didn’t last but it worked for 17 yrs., so, parang siguro… my dad had so many great loves… ganu’n lang.
“Ako basta para sa akin, hindi na kailangan ng papel, ‘di ba? Hindi mo kailangan ng marriage, you need a relationship, mas naniniwala ako sa relationship kesa sa marriage.”
At the age of 51, hindi pa rin daw nagbabago ang pananaw niya pero who knows, baka raw ‘pag nag-70 yrs. old siya ay maisip din niyang magpakasal.
Right now, matagal na raw walang love life si Direk Eric Quizon but it doesn’t mean na malungkot siya. Masayang-masaya raw siya sa buhay niya at hindi niya pinoproblema ‘yung mag-aalaga sa kanya ‘pag tumanda siya dahil marami siyang mga kapatid at pamangkin.
Samantala, bukod sa pagiging direktor, si Direk Eric Quizon din ang gumanap na tatay ni Kim Chiu sa One Great Love na showing na sa Dec. 25.





Comments