Misis kinatay ni mister
PATAY ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kanyang mister kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Kinilala ang biktima na si Romelyn Alaro y Peñarodondo, 29, ng Poblacion, Muntinlupa City, na nagtamo ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tinutugis naman ang suspek na si Richard Alaro, 31. Ayon sa ulat, naganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng mag-asawa alas-3:30 ng madaling-araw.
Kuwento ng ina ng suspek na si Julieta, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa alas-11:00 ng gabi.
Pagdating ng ala-1:00 ng madaling-araw, lumabas ng bahay at hindi na matagpuan ang suspek.
Makalipas ang dalawa at kalahating oras, natagpuang wala ng buhay at puno ng dugo ang biktima sa loob ng kanilang bahay.
Hinihinalang selos o love triangle ang motibo sa nangyaring pananaksak sa kanyang misis.





Comments