Mga sundalo in-ambush, 3 nadale
TATLONG miyembro ng Philippine Army ang sugatan matapos tambangan ng New People’s Army sa Bgy. San Bueno, Sampaloc, Quezon.
Alas-11:30 ng umaga, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang grupo ng 1st Infantry Batallion, 2nd Division, nang paputukan sila ng higit 30 rebelde.
Nasapol ng bala si 2nd Lt. Glent Paul delos Santos Lim, na siyang team leader habang tinamaan sa ulo si Sgt. Jackly at sa kaliwang braso naman si Sgt. Torente.
Tumagal ng halos 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig saka tumakas ang mga rebelde.
Naisugod agad ang mga sugatang sundalo sa pagamutan habang patuloy ang pagtugis sa mga tumakas na rebelde.





Comments