top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga cong. busog sa 'pork', kapag gumagawa ng batas parang nalipasan ng gutom, nye!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

CJ BERSAMIN, NAG­PAKITANG-GILAS KAY HOUSE SPEA­KER GMA? —Pina­bo­ran ng Supreme Court (SC) ang naging desis­yon ng Court of Tax Ap­peal (CTA) na nagba­basura sa P27 milyon tax evasion case laban kay dating Congressman Mikey Arroyo.

Hanep! Mantakin nin­yo, mahigit isang linggo pa lang naitata­laga ni P-Duterte si Chief Justice Lucas Bersamin bilang ba­gong Chief Justice ng SC, eh, nag­paki­tang-gilas na agad siya kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ermat ni Mikey, buwisit!

◘◘◘

TULAD NI FAEL­DON; LAPEÑA, LU­SOT DIN SA ‘KOMI­TE DE ABSUWEL­TO’ NI SEN. GORDON—Inabsuwelto ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Bureau of Customs Com­mission­er Isidro Lapeña sa is­yung P11 bilyon shabu smuggling sa Adwana.

Ganyan din ang gina­wa ni Sen. Gordon, inab­suwelto rin niya sa P6.4 bilyon shabu smug­gling si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Fael­don.

Dahil sa mga isyung ‘yan, lumalabas ngayon na tila totoo ang naging alegasyon noon ni Sen. Antonio Trillanes IV na ang komiteng pinamu­mu­nuan ni Sen. Gordon ay “komite de absuwel­to” ng Senado, boom!

◘◘◘

MGA MAMBA­BA­TAS, BUSOG NA NAMAN SA PORK BARREL PERO, KA­PAG GUMAWA NG BATAS PARANG NA­LIPASAN NG GUTOM —Nais ng mga pro-Duterte congressman na bumuo ng Philippine Space Agency (PhilSA) na mangangasiwa raw sa kalawakang sakop ng Pilipinas.

Ano ‘yan, para i-justify ng mga pro-Duterte congressman na hindi fake news ang ipinakalat sa social media noon ng mga DDS blogger na si P-Duterte ang best pre­sident sa solar system o kalawakan?

Pambihirang mga mambabatas, palagi silang busog dahil may yearly pork barrel sila, tapos kapag nakaisip gumawa ng batas, akala mo mga nalipasan ng gutom, boom!

◘◘◘

PNP-REGION 3 DIRECTOR CORONEL, GINAGAMIT SA RAKET NG MGA ‘TONGPATS’ COLLECTOR—May mga “tong­pats” collector na raw ang nag-iikot sa mga iligalista sa Central Luzon at ipi­nanghihingi raw ng week­ly payola si newly-appointed PNP Region 3 Director, C/Supt. Joel Coronel.

Naku, malamang may paglagyan ang mga “tongpats” collector na ito kasi sa lahat ng ayaw ni C/Supt. Co­ro­nel ay may guma­ga­mit sa kanyang pa­ngalan para maka­panraket, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page