Manyak na tulak huli
TIKLO ang isa umanong rapist na tulak ng iligal na droga matapos ang follow-up operation kaugnay sa tangka nitong panggagahasa sa Bgy. Poblacion 7, Taal, Batangas.
Alas-9:00 ng gabi nang makaligtas mula sa suspek na si Ernie Lopez, 26, construction worker, ng Bgy. Balisong, ang isang menor-de-edad na babae.
Agad nilang ipinarating sa pulisya ang nangyaring tangkang panggagahasa.
Mabilis silang kumilos hanggang sa makorner sa kanyang pinagtataguan ang suspek at agad na dinampot.
Nakuha sa kanya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at posibleng nasa impluwensiya pa ng droga ang naturang suspek.





Comments