Lola tepok sa kuryente
- Pabs Hernandez III
- Dec 6, 2018
- 1 min read
CAPIZ—Isang 67-anyos na lola ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Loctugan, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Lydia Cordovero, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nag-iinit ng tubig si Cordovero gamit ang electric heater nang bigla itong mangisay hanggang sa mamatay.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad ay natuklasan na napahawak sa live wire ng electric heater ang biktima kaya ito nakuryente at namatay.





Comments