Kelot dedbol sa gunman
Pabs Hernandez III
Dec 6, 2018
1 min read
BATANGAS—Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Calicanto, San Juan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Mario Sinapilo, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na nakasakay sa motorsiklo si Sinapilo nang lapitan ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments