Init at trapik joint forces, darami ang away-kalsada

Matindi na ang init ng araw!
Darami na rin ang away sa kalsada dahil sa matinding trapik!
◘◘◘
Dumagsa na ang obrerong Tsekwa sa Pilipinas.
Beho, tulo-laway!
◘◘◘
Delikado tayo sa nagkalat na Tsino.
Dumagsa rin ang Japanese workers bago sinakop ng Japan ang Pilipinas noong World War II.
◘◘◘
Negosyo rin ang pantukso ng Hapones sa Pinoy bago tinarakan ng bayoneta sa likuran.
Nauulit talaga ang kasaysayan!
◘◘◘
Wala pang nasasakop na bansa ang China sa kasaysayan.
Kung sakali, Maynila pa lang!
◘◘◘
Mabilis ang pag-unlad ng Vietnam.
Dahil ‘yan sa pang-aaway sa Beijing.
At pakikipag-utuan sa White House!
◘◘◘
Walang earthquake drill ngayon.
Mag-ingat sa malakas na lindol!
◘◘◘
Nag-aalburoto ang Bulkang Mayon.
Kailangan kasi ang calamity fund sa kampanyahan sa Bicol!
◘◘◘
Tahimik na ang nagdedepensa sa wikang Filipino.
Wala nang nagkokober na media!
◘◘◘
Kinokontra pa rin ang K-12.
Takot sila sa pagbabago!
◘◘◘
Gusto ni P-Digong na maging ligal ang paggamit ng marijuana.
Baka kasi matokhang siya?





Comments