Ilang retailers na mapagsamantala dahilan kung bakit may taas-presyo sa asukal!
- BULGAR

- Dec 6, 2018
- 1 min read
SA taas-presyo ng mga bilihin, partikular na ng presyo ng asukal, marami sa atin ang sobrang naaapektuhan kung saan maging ang mga nagsisimulang magnegosyo ng mga produktong sinasangkapan nito ay namumroblema na rin, lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya hindi na mapigilan ng ilan na magreklamo.
Pero, ang buwelta ng Sugar Regulatory Administration (SRA), wala umanong naging problema sa suplay ng asukal nang magtaas ito ng presyo kaya lang, posible na may mga nananamantalang negosyante kung saan imbes na P53 hanggang P55 kada kilo lamang ang presyuhan sa refined o white sugar habang P45 hanggang P48 naman sa brown at washed sugar ay nagiging P55 hanggang P60 kada kilo ang bentahan nito sa pamilihan.
Sa ngayon, nasa mga kamay na umano ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay at pagsita sa mga nagbebenta ng overpriced na asukal sa merkado at wala sa SRA.
Gayunman, nakikipag-ugnayan na rin ang SRA sa DTI at sa Department of Agriculture para itakda na ang Suggested Retail Price (SRP) ng asukal.
Kaya nais nating kalampagin ang mga kinauukulan na huwag tayong magtulug-tulugan pagdating sa ganitong mga usapan dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring maging epekto nito sa ating ekonomiya.
Samantala, mukha mang mababaw na problema, solusyunan agad kung kaya nang hindi na lumala pa!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments