top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOTSHOTS, INANGKIN ANG GAME 1 FINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2018
1 min read

NILIPAD ng Magnolia Hotshots ang Game 1 ng 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup Finals matapos kahigin ang 100-84 panalo kagabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nakauna ang Pambansang Manok Magnolia sa kanilang best-of-seven series kaya tatlong panalo na lang at makakamit nila ang inaasam na kampeonato.

Maagang humarurot ang Magnolia, kinapitan nila ang 12-point lead, 52-40 sa halftime. Nagpakitang gilas agad ang magkabilang imports ng koponan sa first half, nakapagtala si Romeo Travis ng 18 puntos para sa Magnolia habang 17 ang inilista ni Mike Harris para sa Alaska. Nakauna ang Hotshots ng 15-0 sa simula ng first quarter, pero natapyasan ito sa limang matapos ang 10-0 run ng Aces.

Nahawakan ng Hotshots ang biggest lead na 21 puntos matapos isalpak ni Travis ang kanyang layup may 10.1 segundo na lang sa third.

Lalong ginanahan ang Pambansang Manok Magnolia sa third period, lumobo ang kanilang lamang, 76-55 papasok ng fourth quarter.

Samantala, sasalang din si Bobby Ray Parks Jr. sa PBA Rookie Draft matapos nitong magpasa ng application sa league office nakaraan. Sinamahan si two-time UAAP at ASEAN Basketball League MVP ni Charlie Dy bilang representative ni legendary PBA Import Bobby Parks Sr. Pang 34 player si 25-year-old National University product, Parks sa nagpasa ng aplikasyon bago ang December 3 deadline.

Kabilang sa magpapa draft ang mga tigasing sina Robert Bolick ng San Beda, big man Abu Tratter, triple-double machine Bong Quinto at Letran teammate na si JP Calvo. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page