Hirit sa mga rider | TRAINING BAGO LISENSIYA


SUPORTADO ng motorcycle riders ang panukala na gawing mandatory ang training para sa mga nagmamaneho ng motorsiklo bago mabigyan ng lisensiya.
Sa isang pahayag ni Atoy Sta. Cruz, ng Motorcycle Philippines Federation, matagal na nilang iminumungkahi sa Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng administrative order kaugnay ng training sa motorcycle riders.
Makatutulong ito upang maiwasan ang aksidente.
Ani Sta. Cruz, maaaring hikayatin ng mga motorcycle rider ang mga supplier ng motorsiklo na magbigay ng tamang training sa lahat ng bumibili sa kanila pero, marami ang kumokontra kaya naudlot ang plano.
Nabulgar din na sa 9,000 riders na binigyan nila ng exam para sa mga simpleng traffic rule, 7 lamang ang pumasa. (BRT)





Comments